Roque bumalik ulit bilang Presidential Spokesperson —GO

0
41

Kinumpirma na Ni Sen. Christopher Lawrence “Bong” Go na balik na si Atty. Harry Roque bilang Presidential Spokesperson.

Ayon kay Go, si Roque na muli ang magiging tigapagsalita ni Pangulong Rodrigo Duterte habang mananatili naman si Atty. Salvador Panelo bilang Presidential Chief Legal Counsel.

Sinabi ni Go, 4 p.m. ng hapon ngayong araw mag-uumpisa ang trabaho ni Roque sa Malacañang.

Maalalang, Oktubre taong 2018 nang magbitiw si Roque bilang Presidential Spokesman matapos nitong tumakbo bilang kinatawan ng luntiang Pilipinas partylist, kung saan pinalitan siya ni Panelo bilang tiga-pagsalita ng pangulo.