Rollback sa produktong petrolyo ipatutupad

0
59

Matapos ang serye ng taas presyo sa mga produktong petrolyo nagpatupad naman ngayon ng rollback ang Phoenix Petroleum.

Epektibo kaninang alas dose uno ng hatinggabi, 80 sentimos ang tinapyas ng Phoenix Petroleum sa  kanilang gasoline habang 60 sentimos naman ang bawas sa kada litro ng diesel.

Inaasahan namang mag-aanunsyo rin ng rollback ang iba pang kumpanya ng langis.

Ang tapyas presyo sa mga produktong petrolyo ay bunsod ng pagbaba ng presyo ng imported na   petrolyo.