Rollback sa langis asahan sa susunod na linggo

0
51

Asahan na ang ipatutupad na rollback ng ilang kumpanya ng langis para sa susunod na linggo.

 Ito ay matapos mag-abiso ang Phoenix Petroleum ng buena manong rollback para sa araw na ito, Mayo 13, kung saan epektibo mamayang alas 12:00 ng tanghali ang ipatutupad na pisong tapyas presyo sa kada litro ng gasolina habang otsenta sentimos naman para sa kada litro ng Diesel.

Samantala, inaasahan rin namang mag anunsiyo ng tapyas presyo sa produktong petrolyo ang ilan pang kumpanya ng langis.