Rollback price sa produktong petrolyo nakaambang ipatupad

0
59

Nakaambang magpatupad muli ang mga kumpaniya ng langis ng bawas-singil sa presyo ng kanilang mga produktong petrolyo.

Batay sa unang araw ng trading sa pandaigdigang merkado, P1.55 ang tapyas sa kada litro ng inangkat na gasolina habang 79 sentimos sa diesel at 91 sentimos naman sa kerosene.

Gayunman, maaari pang magbago ang galaw ng presyuhan ng petrolyo depende sa resulta ng trading hanggang ngayong araw.