Roger Federer nasungkit ang ika-isandaang titulo sa Dubai Championship Open

0
51

Nagpaabot ng kaniyang pasasalamat ang tennis superstar Roger Federer sa kaniyang mga fans matapos makamit ang ika-isandaang titulo.

Ito’y matapos talunin ni Federer ang griyegong si Stefanos Tsitsipas (Chichipas) sa katatapos pa lamang na Dubai Championship Open.

Sa kaniyang pagkapanalo, hindi napigilang ibuhos ni Federer ang kaniyang tuwa nang mag-tweet ito ng kaniyang social media account na aniya’y isang katuparan ng kaniyang pangarap.

Ikalawa si Federer sa mga tennis players na nakasungkit ng ika-isandaang titulo sunod kay Jimmy Connors ng Amerika nuong 2001.