Rodel Jayme personal na kinilala si ‘Maru Xie’

0
54

Positibong kinilala ni Rodel Jayme si Precious Sahara Ledesma, bilang si “Maru Xie”, ang babaeng kumontrata sa kaniya upang buuin ang website kung saan inilabas ang serye ng video ni alyas Bikoy.

Ito ay matapos ilabas ng Malakanyang ang panibagong ouster plot matrix laban kay Pangulong Rodrigo Duterte kung saan kabilang si Ledesma sa mga pinangalanan ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, sa anila’y nakikipag-sabwatan upang patalsikin si Pangulong Duterte sa pwesto.

Kaugnay nito, isiniwalat rin naman ni Jayme na ang totoong pangalan ni Ledesma ay Kristina Elvira.

Aniya, ginagamit lamang nito ang pangalan na “Maru Xie”, “Maru Nguyen” at “Precious Ledesma” sa social media.

Matatandaang, si Jayme ang creator at administrator ng website na metrobalita.com kung saan unang lumabas ang serye ng video ni alyas Bikoy.

—–