Robredo pupulungin ang mga ahensya na nakatutok sa war on drugs

0
29

Pagpupulungin ni Vice President Leni Robredo ang mga ahensyang sangay ng war on drugs.

Ayon sa tagapagsalita ni Robredo na si Atty. Barry Gutierrez, mahalaga ang koordinasyon sa mga ahensya katulad na lamang ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Aniya, isasapinal na ng Bise Presidente ang kanyang rekomendasyon at iba pang ihahaing proposal para sa ikabubuti ng drug war ng pamahalaan.

Matatandaang tinanggap ni Robredo kahapon ang pag-appoint sakanya ni Pangulong Duterte bilang co-chairman ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD).