Robredo kinuwestyon ang pagtalaga sakanya ni Duterte bilang drug czar

0
23

Nagtataka si Vice President Leni Robredo kung bakit itinalaga siya ng Panguong Rodrigo Duterte bilang co-chair ng Inter Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD) kung hindi siya pinagkakatiwalaan ng isandaang porsyento ng pangulo at kaniyang kapwa opisyal.

Gayunman, sinabi ni Robredo na gagawin pa rin niya ang kaniyang mandato bilang anti drug czar kahit pa hindi ibigay o ibahagi sa kaniya ng kapwa opisyal sa ICAD ang listahan ng high value targets sa kampanya kontra iligal na droga.

Ayon kay Robredo, wala na siyang magagawa kung ipagkakait sa kaniya ang mga impormasyon dahil noong tinanggap aniya niya ang tungkulin, buong puso niya itong gagawin sa lahat ng kaniyang makakaya.