Robredo hindi nakadalo sa pagdinig para sa OVP budget 2020

0
57

Hindi nakadalo si Vice President Leni Robredo sa pagdinig ng house committee on appropriations para sa pondong hinihingi ng kaniyang tanggapan sa susunod na taon.

Tanging ang kinatawan lamang ng bise na si Chief of Staff Usec Philip Dy ang dumating sa naturang pagdinig.

Samantala, bahagya naman tumaas ang inilaang pondo para sa OVP sa susunod na taon na may higit P673-M.

Mas mataas ito kumpara sa 671 million pesos na pondo ngayong 2019.