Robredo hindi kailangang sumama sa actual drug ops —PDEA

Robredo hindi kailangang sumama sa actual drug ops —PDEA

by Powered by DWIZ
0 comment 12 views

Hindi obligado si Vice President Leni Robredo na sumama sa mga anti-illegal drug operations.

Ito ang binigyang diin ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Aaron Aquino matapos kumasa ni Robredo sa kaniyang hamon na sumama sa aktuwal na operasyon ng mga otoridad kontra illegal drugs.

Ayon kay Aquino, layon lamang niyang ipabatid kay Robredo na seryoso ang mga otoridad at na-aayon sa batas ang kanilang mga operasyon.

Dagdag pa nito, nais lamang niyang patunayan sa pangalawang pangulo na talagang delikado ang kanilang mga operasyon at malabong matupad ang nais ni Robredo na matigil na ang patayan sa mga anti-drug operations.

0 comment

Related Posts