Rider cap para sa motorcycle-taxis itinaas ng DOTr

Rider cap para sa motorcycle-taxis itinaas ng DOTr

by Powered by DWIZ
36 views

Itinaas na ng Department of Transportation (DOTr) sa 45,000 ang rider cap para sa motorcycle-taxi gaya ng Angkas, Move It at Joyride.

Ayon kay Transportation Sec. Arthur Tugade, mula sa unang 30,000 cap para sa pilot run ng motorcycle-taxi ay napag-kasunduan ng DOTr-Technical Working Group (TWG) at ng mga kinatawan ng tatlong ride hailing services na dagdagan pa ito ng 15,000.

Sinabi ni Tugade na paghahati-hatian ng tatlong ride-hailing app ang 45,000 na cap, o katumbas ng tig-15,000 rider sa bawat kumpanya.

Dagdag pa ng kalihim, 10,000 rider cap ang para sa Metro Manila, 3,000 para sa Metro Cebu at 2,000 para sa Cagayan De Oro bilang bahagi pa rin ng pilot run na tatagal hanggang Marso ngayong taon.

0 comment

Related Posts