Ricky Lo sa hiwalayang ‘JaDine’: Honesty is the best policy

Ricky Lo sa hiwalayang ‘JaDine’: Honesty is the best policy

by Powered by DWIZ
69 views

Tila vindicated ang kolumnistang si Ricky Lo sa isyu ng hiwalayang James Reid at Nadine Lustre.

Ito ay matapos kumpirmahin mismo nina James at Nadine ang kanilang paghihiwalay.

Nagpasalamat pa si Lo sa dating magkasintahan sa ginawang pagkumpirma sa kanilang hiwalayan –dalawang linggo matapos niyang i-break ang nasabing istorya sa kaniyang column sa Philippine Star.

Sinabi ni Lo na hindi na siya nagreact nang ibash ni Nadine at tawaging sinungaling bagamat pinanghahawakan niya ang tagline ng kanilang diyaryo na: ‘The Truth Shall Prevail’.

Binigyang diin ni Lo na sa halos ilang dekada na niyang pagiging journalist, pinaninindigan nya ang katotohanan at sumusumulat ng mga delicate stories tulad ng ‘JaDine break up’ kung ang mga impormasyon ay mula mismo sa kaniyang reliable sources at matapos niyang maidouble check ang mga ito.

Panghuling mensahe ni Ricky Lo kay Nadine –‘O, Nadine, ano na? 2020 na.’

0 comment

Related Posts