Thursday, May 2, 2024

Rice miller at traders pinaiimbestigahan kaugnay sa umano’y paglabag sa batas

- Advertisement -

Pinaiimbestigahan ni House Assistant Minority Leader Stella Luz Qiombo sa Philippine Competition Commission (PCC) ang mga rice miller at trader dahil sa umano’y paglabag sa batas at pang-aabuso.

Partikular ditto, ayon kay Quimbo ang posibleng pamamayagpag ng rice cartel sa gitna na rin ng Rice Tariffication law.

Sinabi ni Quimbo na nakaka-alarma ang posibleng rice cartel dahil bagamat bumaba ang presyo ng bigas sa merkado ng halos 3%, ang presyo naman ng palay na ibinibenta sa mga magsasaka sa rice traders at middlemen ay mas mataas ng halos 18%.

Nangangahulugan aniya itong ang mga magsasaka ang siyang nagdadala ng malaking bahagi ng pagbawas sa presyo ng bigas na hindi naman patas.

Naniniwala si Quimbo na hindi tama ang malayong agwat nang pagbaba ng nabibiling bigas at sa ibinibentang palay at posibleng mayroong lumabag sa section 15 ng Philippine Competition act na nagtatakda na hindi dapat maabuso o mapagsamantalahan ang mga magsasaka.

Dapat din aniyang malaman kung napapakinabangan ng mga maliliit na magsasaka ang rice competitiveness enhancement fund na dapat gamiting pangsuporta sa gitna ng inaasahang epekto ng pagbaha ng murang imported rice at paglabag sa batas ng ilang rice miller at rice traders.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img