32.7 C
Manila
Thursday, April 25, 2024

Rice crisis sa Zamboanga binatikos ni Sen. Bam Aquino

- Advertisement -

Kinuwestiyon ni Senador Bam Aquino kung sino ang nagmamando o nangangasiwa sa bansa.

Ito’y makaraang mabigong mapigilan o masolusyonan ang krisis sa bigas tulad ng sitwasyon sa Zamboanga City na isinailalim na sa state of calamity.

Ayon kay Aquino, bagaman nag-import ng bigas ang pamahalaan para maresolba ang problema, tila lumala pa ngayon ang sitwasyon at nauwi sa rice crisis sa Zamboanga City.

Kamakailan, inaprubahan ng pamahalaan ang pag-aangkat ng 500,000 metric tons ng bigas upang matugunan ang supply ng murang NFA rice sa merkado.

Gayunman, nagtataka ang senador kung saan napunta ang ipinagmamalaking inangkat ng National Food Authority para mapababa ang presyo ng bigas sa mga palengke.

(with report from Cely Ortega- Bueno)

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -