Retired Sandiganbayan Justice Victorino inendorso si Guevarra bilang Associate Justice

0
11

Inendorso ni Retired Sandiganbayan Justice Raoul Victorino si Justice Secretary Menardo Guevarra sa Supreme Court Associate Justice Post.

Ayon sa liham na ibinigay ni Victorino sa Judicial and Bar Council, panahon na para maupo si Guevarra sa kataas taasang hukuman.

Aniya, subok na ang kakayahan ng kalihim pati na rin ang integridad at pagiging patas nito.

Tinukoy din ng dating chief legal counsel ang magandang track record ng kalihim sa pagseserbisyo bilang kalihim ng Department of Justice.

Samantala, nagpasalamat naman si Guevarra sa pagtitiwala ni Victorino ngunit tumanggi itong magkomento hinggil dito.