Retired Army Chief itinalaga bilang bagong DSWD secretary

0
45

Opisyal nang tinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si retired Army Chief Rolando Bautista bilang bagong kalihim ng Department of Social Welfare and Development (DWSD).

Naging bahagi ng talumpati ng pangulo ang anunsyong ito sa kaniyang pagdalo sa Change of Command at Retirement Ceremony ni Bautista sa Fort Bonicacio, kagabi.

Ayon kay Pangulong Duterte, kailangan niya sa gobyerno ang isang gaya ni Bautista na maaasahan at tapat na opisyal.

Una rito, hindi pa man nagreretiro si Bautista ay inihayag na ni Pangulong Duterte na si Bautista ang kaniyang napipisil na mamuno sa DSWD.

“Ang hinihingi ko lang naman ay is this that you are competent and honest. So, ang DSWD ay bakante. So, we are now talking, looking for an honest and competent guy and I choose – Rolly Bautista to be the next secretary.” Pahayag ni Duterte.