Resulta ng SWS survey hinggil sa performance ng Pangulong Duterte ikinagalak ng Palasyo

0
54

Winelcome ng Malakanyang ang resulta ng panibagong survey ng Social Weather Stations (SWS) na nagsasabing 79 percent ng mga Pilipino ang kuntento sa performance ng Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na ang naturang SWS survey ay patunay lamang na hindi tumatalab ang mga paninira sa pangulo.

Lumalabas sa nasabing survey na tumaas ng anim na puntos ang net satisfaction rating ng pangulo na nasa positive 66 sa buwan ng Marso kumpara sa positive 60 nuong December 2018.

Binigyang diin ni Panelo na habang sinisiraan ang pangulo ay lalo lamang tumataas ang ratings nito dahil nakikita ng taumbayan ang ginagawa ng pangulo at ang serbisyo nitong matapang, masipa, walang sinisino at naka focus na protektahan ang bawat Pilipino at ang bayan.