Restrictions sa quarantine protocol ng mga senior citizens pinaluluwagan ng ilang mambabatas

0
16

Pinaluluwagan ng ilang kongresista ang restrictions sa paglabas ng mga senior citizens sa ilalim ng enhanced at general community quarantine.

Paliwanag nina House Committee on Labor and Employment chairman Eric Pineda at House Committee on Senior Citizen’s Affairs Chairman Francisco Datol, marami kasi sa mga senior citizen ang malakas pa at kayang mag trabaho kung kayat hindi dapat pagbawalan ang mga ito dahil sa kanilang edad.

Anila, marunong namang sumunod ang mga nakatatanda sa ipinapatupad na social distancing.

Dagdag pa ni Pineda, na dapat may exemptions sa mga senior citizens na wala namang problema sa kondisyong pangkalusugan.

Magugunitang batay sa inilabas na guidelines ng pamahalaan para sa enhanced at general community quarantine, mahigpit na ipinagbabawal ang paglabas ng mga senior citizens gayung ang mga ito ay madaling kapitan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).