Resolusyon ng mga Chinese experts vs COVID-19 nasa DOH na —Duque

0
22

Hawak na ni Health Secretary Francisco Duque III ang rekomendasyon ng mga Chinese experts sa kung paano lalabanan ng Pilipinas ang coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon kay Duque, kabilang sa mga rekomendasyon ang patungkol sa prevention and control, clinical management, at iba pa.

Pag-aaralan pa anya nila ang mga ito bago ibahagi sa taongbayan.

Samantala, sinabi ni Duque na pasok na ang bansa sa solidarity trial para sa gamot na pinangungunahan ng World Health Organization.