29.5 C
Manila
Wednesday, April 17, 2024

Resolusyon na magpaparusa sa mga nagpakulong kay De Lima aprubado na ng US Senate

- Advertisement -

Aprubado na sa United States Senate ang resolusyong humihiling na parusahan ang mga opisyal ng pamahalaan at security forces na responsable sa pagpapakulong kay Senador Leila De Lima.

Nakapaloob sa resolusyon na dapat patawan ng parusa sa ilalim ng Global Magnitsky Human Rights Accountability Act ang mga nagpakulong kay De Lima tulad ng pagkansela sa kanilang U.S. visa o pag ipit sa kanilang assets sa Amerika.

Nitong Disyembre lamang ipinasa ng Senate Foreign Relations Committee ang resolusyon bago inilagay sa legislative calendar ng U.S. Senate.

Tinawag nilang ‘prisoner of conscience’ si De Lima dahil nakulong siya bunga ng kanyang paniniwalang pulitikal.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -