Monday, May 6, 2024

Report na may magaganap na operasyon sa Ibon Foundation hindi totoo — NCRPO

- Advertisement -

Pinabulaanan ng pamunuan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang kumakalat na report na mayroong pinaplanong operasyon sa tanggapan ng Ibon Foundation.

Ayon kay NCRPO Director Debold Sinas, walang katotohanan ang mga report sa social media na isang Col. Joaquin Alba ang ‘di umano’y nagtimbre tungkol dito.

Dagdag pa nito, hindi na konektado ang NCRPO kay Alba at wala silang dahilan para puntahan at inspeksyunin ang naturang tanggapan.

Nanindigan pa rin si Sinas na ang lahat ng kanilang operasyon ay naayon sa mga batas at nakalinya sa kanilang mga hawak na dokumento. — ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9)

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img