Repair ng sinkhole sa Roxas Blvd hindi pa nasisimulan

0
56

Hindi pa nasisimulan ang repair ng sinkhole sa service road ng Roxas Boulevard sa Maynila kung saan nahulog ang isang cargo truck.

Napapalibutan pa rin ng plastic barriers ang nasabing butas.

Sinabi ng mga tauhan ng DPWH na inuna muna nilang tanggalin ang mga kable ng kuryente sa ilalim ng malaking butas.

Nabatid na matapos mahulog ang cargo truck, tila mas lumalim at lumawak pa ang butas.