29.6 C
Manila
Friday, April 19, 2024

Rep. Mark Meadows, magbibitiw sa kongreso para maging Chief of Staff ni Trump

- Advertisement -

Bababa sa pwesto si Rep. Mark Meadows bilang miyembro ng kongreso para maging chief-of-staff ng White House.

Inaasahang magiging epektibo ang pabibitiw sa kongreso ni Meadows ganap na 5:00 ng hapon oras sa Amerika, ika-31 ng Marso.

Magugunitang naging malapit si Meadows kay US President Donald Trump nitong mga nakaraang linggo bilang bahagi ng transition period nito.

Samantala, si Meadows ang magiging pang-apat na chief of staff ni Trump na papalit kay Mick Mulvany na dati ring miyembro ng kongreso.

Sa panulat ni Ace Cruz.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -