Thursday, May 2, 2024

Remulla hiniling na huwag suspendihin ang mga pampublikong transportasyon habang nakasailalim sa MECQ

- Advertisement -

Ikinalungkot ni Cavite Governor Jonvic Remulla ang pagsuspinde sa lahat ng pampublikong transportasyon sa ilalim ng modified enhanced community quarantine (MECQ).

Hiniling kasi ni Remulla na huwag nang suspindihin sana ang lahat ng pampublikong transportasyon dahil ito lamang ang inaasahan papasok ng mga manggagawa sa mga factory at mga essential workers.

Ngunit nanatiling matigas ang IATF sa kautusan at ipinatupad pa rin ang mahigpit na pagbabawal sa pampublikong transportasyon.

Sa pamamagitan ng facebook post, tinawag itong “overruled” ng gobernador.

Dagdag pa ni Remulla, kaniyang inire-respeto ang “very unwise decision” ng IATF kahit pa maaapektuhan nito ng lubos ang manufacturing industry ng CALABARZON.

Kasabay nito humingi ng paumanhin si Remulla sa kaniyang mga kababayan dahil sinikap naman umano niyang ibigay ang interes ng nakararami ngunit ibang anggulo ito nakikita ng mga nangungunang opisyal.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img