31.9 C
Manila
Thursday, April 18, 2024

Relokasyon sa mga pulis na apektado sa pag-alburuto ng Bulkang Taal iniutos ni Gamboa

- Advertisement -

Inatasan ni PNP Chief General Archie Gamboa ang housing board ng pambansang pulisya na pangasiwaan ang posibleng relokasyon sa mga pulis na nakatira sa mga bayan sa Batangas na apektado ng pag-aalburuto ng Bulkang Taal.

Ayon kay PNP Spokesman Brig. General Bernard Banac, tinatayang nasa 50 mga pulis ang nakatira sa loob ng 7 kilometer radius danger zone.

Gayunman nilinaw ni Banac na hindi sapilitan ang gagawing relokasyon sa mga nabanggit na pulis at nakadepende pa rin sa magiging pasiya ng mga ito.

Sinabi ni Banac, may mga pabahay ang PNP sa Calamba, Laguna, General Trias Cavite at Rizal na maaaring paglipatan ng mga apektadong pulis. — ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9)

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -