Relief goods nakahanda na—DSWD

0
65

Handa ang Department of Social Welfare and Development o DSWD na magbigay ng ayuda sa mga pamilyang apektado ng matinding pag-ulan dulot ng bagyong Henry at hanging habagat sa Luzon.

Ayon sa ahensya, nakaalerto na ang kanilang mga tanggapan sa National Capital Region, Central Luzon at Mimaropa upang umalalay sa mga local government unit sa pagbibigay tulong sa mga apektadong indibiduwal.

Naka-preposition na rin anila ang mga food at non-food items handa na para ipamahagi.

Sa huling ulat ng DSWD Disaster Response and Management Bureau, dalawang libo at tatlong daang (2,300) pamilya na ang apektado ng habagat sa labing tatlong (13) barangay sa Central Southern Luzon.

Higit 60 pamilya ang nanunuluyan na sa mga evacuation center habang higit 2,000 naman ang nakikituloy sa kanilang mga kaanak at kaibigan.

—-