Rekomendasyong palawigin pa ang ECQ sa Luzon pag-aaralan ng IATF

0
20

Pag-aaralan ng Inter Agency Task Force (IATF) ang rekumendasyon ng Metro Manila Council (MMC) na palawigin pa ang enhanced community quarantine (ECQ) sa Luzon.

Ayon kay DILG Undersec. Jonathan Malaya, iginagalang at ikinukunsidera ng IATF ang rekumendasyon ng MMC na i-extend pa hanggang Hunyo 15 ang ECQ sa Metro Manila dahil sa mataas na kaso ng COVID-19.

Sinabi ni Malaya, ang magiging desisyon kasi ng IATF ay nakabatay sa datos at sitwasyon sa mga lugar, kaya’t ikukunsidera nila anuman ang maging rekumendasyon ng MMC.

Una rito sinabi ni MMC Chairman at Parañaque City Mayor Edwin Olivarez na bagama’t nakikita nilang unti-unti nang bumababa ang kaso ng COVID-19 ay ikinababahala nila ang ikalawang bugso nito kapag inilagay na sa GCQ ang Metro Manila.