Reklamo vs. Duque at PhilHealth patuloy na natatanggap ni Lacson

0
37

Patuloy na dumarating umano sa tanggapan ni Sen. Panfilo ‘Ping’ Lacson ang mga sumbong laban kay Health Secretary Francisco Duque III at sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

Kasunod ito ng pagbubulgar ni Lacson ng umano’y mga ‘conflict of interest’ ni Duque at anomalya sa PhilHealth.

Ayon kay Lacson mula sa mga tauhan ng PhilHealth at DOH ang mga natatanggap niyang sumbong.

Hindi aniya makalantad ang mga ito dahil pinagiinitan.

Gayunman, may isa na umano na pinag-iisipan ang pagtestigo sa nakatakdang senate hearing sa susunod na linggo na dadaluhan ni Duque.