Saturday, May 4, 2024

Refund sa singil sa kuryente asahan ngayong Hulyo

- Advertisement -

Asahan na ang nasa P0.04 hanggang P0.08 kada kilowatt hour na refund sa singil sa kuryente ngayong Hulyo.

Ito ay matapos na atasan ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang lahat ng mga privately owned electricity distribution utilities kabilang ang Meralco na ibalik sa kanilang mga consumers ang hindi nagamit na regulatory reset cost.

Ayon sa ERC, ang regulatory reset cost ay bahagi ng pondo na ginagamit ng mga power distributor na pambayad sa consultants o mga experts para sa pag-aaral ng electricity rates.

Tiniyak naman ng Meralco ang agarang pagtalima sa nasabing kautusan ng ERC.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img