Tuesday, May 7, 2024

‘Red October’ ouster plot kathang isip lamang ng pamahalaan

- Advertisement -

Kumbinsido sina Magdalo party-list Rep. Gary Alejano at dating Bayan Muna party-list Rep. Satur Ocampo na kathang isip lamang ng gobyerno ang umano’y planong pagpapatalsik sa pwesto kay Pangulong Rodrigo Duterte ngayong Oktubre.

Ayon kay Ocampo, hindi naman na nakagugulat ang pahayag ni Pangulong Duterte dahil matagal nang layunin ng CPP-NPA na pabagsakin ang gobyerno.

Nagbabala rin ang dating kongresista na maaaring mauwi sa authoritarian rule ang bansa kung ipagpapatuloy ng pangulo ang pag-atake sa oposisyon.

Naniniwala naman si Alejano na kinokondisyon na ng pamahalaan ang isip ng publiko upang makumbinse na mayroong ouster plot. Itinanggi rin ng dating rebeldeng sundalo na kabilang ang kanilang grupo sa mga nagbabalak na magpatalsik sa pwesto kay Pangulong Duterte.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img