Recto Bank incident minaliit ng China

0
50

Minaliit ng China ang insidente ng pagbangga Chinese vessel sa naka-angklang barko ng mga Pilipinong mangingisda.

Sa isang punong balitaan, sinabi ni Chinese foreign ministry spokesperson Geng Shuang, maituturing na pangkaraniwang maritime accident lamang ang naganap sa Recto Bank.

Nagbabala pa si Geng sa paghalo ng pulitika sa insidente kahit pa hindi pa lubos na beberipika ang pangyayari.

Ngunit ayon naman kay Presidential spokesman Salvador Panelo, siniguro ng China na magsasagawa sila ng malaliman at seryosong imbestigasyon sa pangyayari.

Batay ito sa text message na ipinadala sa kanya ni Chinese ambassador Zhao Jianhua.

Ayon kay Panelo, tiniyak ni Zhao na kaisa ang China sa galit ng Pilipinas sa Chinese crew na iniwan sa karagatan ang 22 Pinoy fishermen.

Aniya, tiwala si Zhao na dapat mabigyan ng leksyon at maparusahan ang Chinese crew dahil sa iresponsableng pag-uugali kung totoong inabandona ng mga ito ang mga mangingisdang Pilipino.