31.6 C
Manila
Sunday, April 28, 2024

Recruitment ng mga bagong gov’t employee nakabitin ngayon—DBM

- Advertisement -

Nakabitin ngayon ang recruitment ng mga bagong empleyado ng pamahalaan tulad ng mga guro.

Ayon kay Budget Secretary Benjamin Diokno, pansamantala lamang ito habang hindi pa naipapasa ang panukalang budget para ngayong 2019.

Maging ang dagdag na sahod aniya ng mga pulis, sundalo at civilian employees ng gobyerno ay ibibitin muna dahil hindi naman ito nakasama sa 2018 budget na pansamantalang ginagamit ngayon.

Gayunman, tiniyak ni Diokno na aandar rin lahat ng nakabiting proyekto at gastusin ng gobyerno sa sandaling maipasa ang 2019 budget.

Una nang sinabi ni Senate President Tito Sotto III na posibleng mailatag na para sa lagda ng Pangulong Rodrigo Duterte ang budget bago mag-Pebrero.

“’Yung mga job orders at COF na kung meron namang nakalaan sa ganyang posisyon noong 2018 ay puwede naman ‘yun, automatically re-enacted din ‘yun. Mas maganda ‘yan kaysa doon sa nangyayari sa Estados Unidos na 800,000 na mga kawani nila ay talagang walang bayad. Mas maganda nga may provision tayo sa budget natin na ang Kongreso kapag ay hindi nila naipasa ang budget halimbawa sa susunod na taon, automatically re-enacted ‘yun.”Pahayag ni Diokno


On allegations

Samantala, hinikayat ni Budget Secretary Benjamin Diokno si House Majority Leader Rolando Andaya Jr. na tutukan na lamang muna ang mga natitira pang agenda sa Kongreso kaysa ubusin ang panahon sa pagbato ng mga akusasyon laban sa kanya.

Ayon kay Diokno, mas makakabuti kung kasuhan na lamang siya ni Andaya upang masagot niya ang mga akusasyon sa tamang forum.

Binigyang diin ni Diokno na iilang araw na lamang ang natitira sa mga mambabatas pagbukas ng sesyon sa Lunes dahil kailangan uli nilang mag-adjourn para sa kampanya sa eleksyon.

Samantala aniya ay napakarami pang nakabinbing panukalang batas at nangunguna na riyan ang panukalang budget para ngayong taon.

Matatandaan na inaakusahan ni Andaya ng katiwalian si Diokno dahil sa di umano’y pagsingit ng milyon-milyong pondo para sa proyektong imprastraktura na napunta sa pinaborang kontratista ng kanyang balae.

 (Balitang Todong Lakas Interview)

 

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -