31.1 C
Manila
Saturday, April 13, 2024

READ: Full text of Senator Bong Go’s 30-minute speech complaining against Blue Ribbon probe’s direction

- Advertisement -

Embattled Senator Christopher Lawrence “Bong” Go delivered a privilege speech late Tuesday to address issues raised in the ongoing Blue Ribbon inquiry on the handling of P42-billion Department of Health (DOH) pandemic funds entrusted with a former budget undersecretary being linked to the senator.

Go took half an hour to deliver the 4,300-word speech that pointedly accused some of his peers of using the Senate inquiry to drag him and President Duterte – while advancing their political interests on the eve of an election year — into the fund mess, which was first uncovered in a Commission on Audit (COA) report on “deficiencies” in DOH’s handling of some P62 billion in 2020.

The neophyte senator lamented that Blue Ribbon chairman, Senator Richard J. Gordon, had not treated him as a peer during the hearings, while bullying witnesses, notably former budget undersecretary Lloyd Christopher Lao. As head of the Procurement Service of the Department of Budget and Management (PS-DBM), Lao awarded billions from the DOH’s P42-billion funds to barely unvetted firms, notably the newly incorporated Pharmally Pharmaceutical Corp. that cornered P8 billion in contracts to supply PPEs for the Covid-19 pandemic response despite having a small paid-up capital.

 At the same time, however, Go distanced himself from Lao, insisting the latter was never his “aide,” even though he worked with the Presidential Management Staff (PMS) that the senator once headed.

“Noong Special Assistant to the President ako, 2016 to 2018, mayroon lang akong oversight functions sa iilang mga opisina sa Office of the President, tulad ng PMS, Protocol at iba pang mga opisina . . . As Special Assistant to the President then, I was not involved in the day-to-day operations and management of every office in the Office of the President.”

Context of rush PPE purchases

While saying he supported the Blue Ribbon probe, Go reminded peers that in the first few months of the pandemic in 2020, the whole world was in short supply of PPEs, and the Executive was frantically sourcing these.

Certain senators, however, had questioned why mostly Chinese firms had won the Lao-supervised award of contracts when several Filipino garments firms that the government asked to retrofit operations in order to rush-produce PPEs did not get any contract.

Bullying?

Go had the most acerbic remarks for Gordon, saying, “It seems like some already had an answer in their minds and if they did not get what they want to hear, they will say the resource person is evasive. Parang may mali naman doon, Mr. President . . . If an adverse counsel bullies a witness, the Judge orders the counsel to stand down. Dito sa hearing na ito, it seems like basic human decency and courtesy have been forgotten.

“Mr. President, sobrang unfair naman po na para lang sumikat ka, ikaw na ang nag-iimbestiga at nagtatanong, ikaw pa ang sasagot at huhusga. Tapos magagalit ka kapag hindi ayon sa gusto mo ang sagot. Tapos ngayon nandadamay ka pa ng kapwa mo Senador.”

Go, addressing Gordon asked: “What do you want to prove by linking me to him (Lao) when you haven’t even proven his guilt? Ano ito, guilt by association o by your mere interpretation?”

Gordon replies

Given a chance to reply to Go, the Blue Ribbon chief denied he had treated Go in a condescending manner, and wondered aloud at the pained reactions to the way the inquiry is unfolding. Gordon reiterated the Blue Ribbon will go where the evidence leads, and will not be held back, neither by President Duterte’s harangue against senators, nor issues being raised against them by people like Senator Go. 

FULL TRANSCRIPT OF SENATOR CHRISTOPHER BONG GO’S PRIVILEGE SPEECH

31 AUGUST 2021

Mr. President, I stand before the Senate to defend my name against malicious intrigues and innuendos implied by some groups and even a few from this Chamber. Unlike others, I am not here to debate or lecture anyone. I am here to use my privilege as an elected Senator to tell the Filipino people the truth.

Mr. President, let me go straight to the point. I already explained in the past two Blue Ribbon Committee hearings that Atty. Lloyd Lao did not directly report to me nor did he ever serve as my aide. In the course of my manifestation, I reiterated and reminded everyone of the policy of this administration – Basta’t napatunayang sangkot ka sa korapsyon, kahit sino ka man, kahit saan ka man nanggaling, dapat kang managot. At tulungan natin si Pangulong Duterte, ipakulong po ang dapat ipakulong kung may kasalanan po.

Ipinaliwanag na rin ni Pangulong Duterte na siya ang appointing authority sa mga posisyon na iyan sa kanyang Talk to the People address.

Ngayon kung hindi po ito narinig ng mga kasamahan natin, uulitin ko po hindi ko po aide si Lloyd Lao at kailanman, hindi siya directly nagre-report sa akin. Si Lao ay isa lang sa mga daan-daang empleyado o opisyal doon sa Malacañang noon.

Noong Special Assistant to the President ako, 2016 to 2018, mayroon lang akong oversight functions sa iilang mga opisina sa Office of the President, tulad ng PMS, Protocol at iba pang mga opisina. Pero hindi ibig sabihin na dahil nakatrabaho ko sila noon ay naging aide ko na silang lahat.

As Special Assistant to the President then, I was not involved in the day-to-day operations and management of every office in the Office of the President. Limitado lang ako sa administrative and supervisory functions, sinisiguro na nagagawa nila ang kanilang mga mandates, maipatupad ang mga improvements sa mga sistema at proseso para mas maging efficient at effective sila.

Hindi ko na po kasalanan na halos lahat ng mga opisina na under sa oversight ko ay gustong ma-identify sa akin. Hindi ibig sabihin na dahil lang naka-trabaho na kita ay aide na kita. Marami lang talagang gustong maging feeling close kapag malapit ka sa Presidente. At hindi ko po ikinakaila na malapit ako sa President, pero hindi po ibig sabihin na ‘yung mga nakatrabaho ko na dyan aide ko na agad.

Hindi ko po alam kung bakit hindi ito maintindihan ng iilan at pilit na inuugnay ako sa mga indibidwal na kanilang iniimbestigahan para lang ibahin ang kulay ng katotohanan. Porke‘t taga-Davao, naging abogado ng Pangulo at nakatrabaho ko ng isang taon, pinipilit na i-connect sa akin. Bukod sa hindi totoo na aide ko siya, irrelevant rin naman po iyon dahil sabi ko nga, kung may kasalanan ay panagutin ninyo na po. Ako na po ang nakikiusap sa inyo. Kami po ni Pangulong Duterte, nabanggit na po niya, kapag may kasalanan, kasuhan, ikulong. Kaysa ipagpilit ninyo na aide ko siya, mas mabuti na lang na pagsalitain ninyo ang mga ipinatawag ninyo sa hearing. Katotohanan po ang gustong marinig ng taumbayan, hindi ang sarili ninyong kwento o narrative.

Mr. President, naaalala nyo po ba nung simula ng pandemic, halos lahat humihingi ng PPEs, face masks, at face shields. Kahit mga mambabatas, humihingi para sa mga lugar ninyo. Kasi alam nyo naman sitwasyon noon. Gaano kahirap. Gaano ka-limited. Yet, government did its best to provide. Nagkandarapa po ang sitwasyon noon, hirap na hirap po tayo hindi natin alam ano’ng gagawin natin. Nabigla tayo. Lahat tayo ay nagulat dito.

Nagagalit nga kayo noon kasi matagal. Matagal naman talaga ang procurement process ng gobyerno. Alam n’yo ‘yan, mas matagal kayo sa national government kaysa sa amin. Bago pa nagsimula ang administrasyon na ito, may PS-DBM na. Pero buhay po ang nakataya dito. Sabi nga ni Pangulong Duterte, when the pandemic started we had nothing. Name a country who was prepared. Wala po.

The same people complaining last year that we were too slow are the same people complaining when government worked with what they had given the limitations of our bureaucracy to provide what they can at a time when demand far exceeds supply. Hirap po tayo noon, Mr. President. As in, nagkakandarapa po tayo lahat noon.

Mr. President, I support our collective goal to find out the truth. But if we do not know how to listen, or, worse, if we already have a conclusion even before getting all the facts, then we have failed in providing the people true and accurate information. Arent we all for the truth? I am one with you here in the Committee. Sinusubaybayan po ng Pangulo ang lahat. Pinapanood po niya, binabantayan po niya. Ipinagtatanggol ko po ang ating trabaho. I am with you, sa lahat po ng colleagues ko rito para malaman po ang katotohanan. Pagtulungan po natin, alamin natin ang katotohanan at kasuhan ang may kasalanan.  


Alam ninyo po, magkasama tayo lalong-lalo na po sa laban sa korapsyon sa gobyerno, sana naman po sa tamang paraan. Hindi po sa bullying na pamamaraan.

Importante sa ating lahat ang COVID-19 response. We cannot afford to fail. Buhay po ang nakataya, buhay po ang nakasalalay dito. Tumataas ang kaso, 22,000 cases po kahapon, naging dominant variant na po ngayon ang Delta. Nakakatakot po ito. Pero habang tumataas ang kaso, tayo nag-aaway dito. Hindi po ito nakakatulong. Kung merong kakasuhan, kasuhan na po at ikulong na po, para makapagtrabaho na tayo.

Marami pong natatakot gumalaw ngayon. ‘Yung mga opisyales ng gobyerno, takot na pong gumalaw, wala nang gustong gumalaw kaya po natatagalan lalo. Habang naghi-hearing, tumataas ang kaso, hindi na po nakaka-focus ang government workers natin lalo na ‘yung mga DOH officials at ‘yung involved sa vaccination efforts natin dahil takot na pong gumalaw. Dati ang mga critics nagsasabi mabagal ang procurement. Noong bumilis na, ngayon naman korapsyon po ang ini-issue nila. Ang presyo po ng PPE na binili ng nakaraang administrasyon ay doble po sa halaga ng nabili ng PS-DBM ngayon. Hindi ko naman alam ‘yun, kagabi ko lang nalaman na ganoon pala ang naging presyo. Wala naman po kaming pakialam. Ang importante po, tama at proper ang ginawa ng ating opisyales. Kapag may kasalanan, kasuhan po agad.


Ang gusto po ng kalaban is to discredit the COVID response of the administration. Sa administrasyong ito, walang grand scheme ng pagnanakaw, lalo na ngayong pandemic. Hindi po papayag si Pangulong Duterte. Galit po kami ni Pangulong Duterte sa mga magnanakaw.

Mr. President, sobrang aminado ako baguhan pa lang ako dito. Natututo po ako sa bawat isa sa inyo. Mataas po ang pagtingin ko sa mga kasamahan ko dito, lalo na yung mga beterano diyan. Mataas po ang respeto ko. Nagtatanong po ako sa inyo. Pero hindi naman ako pwedeng magmamaang-maangan at tatahimik na lang kung tingin ko ay may maling nangyayari.

I am being careful with my words because I respect this institution and I think highly of my colleagues. But just like every single one of you, I also represent the Filipino people to whom I owe this privilege to serve and speak in this chamber. At tulad ng bilin sa akin ni Pangulong Duterte, kung may nakikita akong mali, kapag meron po akong nakikitang mali, magsasalita po ako.

Alam mo, mapapaisip ka talaga dahil sa hearing, ‘yung iba po sila ang nagtatanong, sila ang nag-iimbestiga, sila rin ang sumasagot, sila na rin ang huhusga at gagawa ng konklusyon. I know this is not a judicial court but it does not take a lawyer to figure out that you cannot be (the) judge, jury, and executioner all at the same time.

Alam ko marami ang napapaisip, dahil sa nagyayaring hearing, ang nagtatanong ay sila na rin ang sumasagot, sila na rin ang humuhusga at may agad nang nagawang konklusyon. Bakit sa dami ng resource persons na ipinatawag, parang iilang senador lang ang nagkukuwento ng kanilang bersyon at interpretasyon. Bakit niyo pa pinatawag kung kayo rin lang po ang magsasalita? Kapag pinagsalita ninyo at hindi nakalinya sa gusto ninyo, nagagalit at naiinis kaagad kayo. Pinapagalitan ninyo pa.

It seems like some already had an answer in their minds and if they did not get what they want to hear, they will say the resource person is evasive. Parang may mali naman doon, Mr. President. Kapag napatunayan mong nagsisinungaling, i-hold mo in contempt. Marami naman po kayong naipakulong noon. Pero patapusin mo naman sumagot at kung may tanong ka pa, let him clarify. That, I believe, is the real essence of inquiring.

Ang testigo nga sa korte, binibigyan ng respeto ng hukom. If an adverse counsel bullies a witness, the Judge orders the counsel to stand down. Dito sa hearing na ito, it seems like basic human decency and courtesy have been forgotten.

Kahit saang diskusyon, maging sa plenaryo, sa korte, o maging sa usapang kanto, alam mo na naman kung hindi patas ang kausap mo. Pakiusap ko lang ay huwag sana nating linlangin ang publiko.

Mr. President, sobrang unfair naman po na para lang sumikat ka, ikaw na ang nag-iimbestiga at nagtatanong, ikaw pa ang sasagot at huhusga. Tapos magagalit ka kapag hindi ayon sa gusto mo ang sagot. Tapos ngayon nandadamay ka pa ng kapwa mo Senador.

Oo, pinasalita mo ako at binigyan mo ako ng oportunidad na klaruhin ang mga bagay na pasaring laban sa akin. Kahit na minamadali mo ako, salamat na rin at binigyan mo ako ng oportunidad magsalita. Pero paglabas naman ng Senado, sasabihin mo sa interviews na parang utang na loob ko pa na nakapagsalita ako.

Mr. President, tulad ninyong lahat, hinalal din po ako ng tao dito. Karapatan ko magsalita dito at sa mga hearings na miyembro naman ako. Hindi ko iyon utang na loob sa sinuman sa inyo dahil pribilehiyo at responsibilidad iyon na ibinigay sa akin ng taumbayan bilang kanilang representante.

Remember pareho tayong Senador dito. Pareho tayong halal at pinili ng tao. Baka nga mas marami pa akong boto sayo at mas maraming nagtitiwala sa akin na mga Pilipino.

Mr. President, the Filipino people deserve fairness and due process most especially in a committee that we hold in high regard. Napaka-crucial (ng role) ng Blue Ribbon dahil aminado naman tayong lahat na para umunlad ang bansa, kailangan linisin ang gobyerno.

Bilib ako sa accomplishments ng Senado, lalo na sa kontribusyon nito laban sa korapsyon, kaisa ninyo po ako dyan, at anumang anomalya sa gobyerno, kaisa ninyo po akong labanan ‘yan. Mula 2019 pa lamang nang naging miyembro ako dito, marami na tayong nadiskubre, nai-report, at naaksyunan upang matugis ang mga magnanakaw sa kaban ng bayan. Halos lahat niyan ay malaking itinulong ng mga hearings ng Blue Ribbon Committee. Nag-participate po ako noon, sa BuCor hearing, sa PhilHealth hearing, lahat po nag-participate ako, nagkausap tayo, nagkaisa tayo dyan na labanan po natin ang kalokohan at katiwalian sa gobyerno at pagkakamali, but out of fairness, I am giving credit where credit is due. But let us not brag about it as if the Filipino people owe us anything because we all play a part in pursuing a clean government regardless of which branch of government we are in and what position we hold.

Given this, I just simply want to raise a query here since it is a common knowledge that the Chairman of the Blue Ribbon Committee is also the Chairman of the Philippine Red Cross, which is in the early days of the COVID-19 pandemic, entered into a multi-million peso Memorandum of Agreement (MOA) with PhilHealth. Hindi ba may conflict of interest na isa sa iniimbestigahan mo ay ka-transaksyon ng organisasyong pinamumunuan mo? Nagtatanong lang po, Mr. President. Pinapagalitan mo, pati ako nadadamay tinatawagan mo, bakit hindi nababayaran? Ako, kasamahan mo sa gobyerno, papagalitan mo kami, ano namang kinalaman ko? Tulay lang po ako kung maaari, nagiging tulay lang po ako sa Executive para mapabilis po ang lahat ng proseso.

Dagdag pa nga diyan, hindi ba disadvantageous sa gobyerno at against the law ang paghingi ng advance payment? Anyway, let us save that discussion for another forum. Nagtatanong lang po ako. In the spirit of fairness and impartiality, shouldnt the Blue Ribbon Committee Chair inhibit himself from further hearing all matters involving PhilHealth?

Make no mistake Mr. President, I will not present any conclusions here without due process and fairness. Tinuturuan po ako ng tama at kailanman ay magiging patas po ako. Sana naman po maging patas rin kayo.

Sabi niya pa naman po, patas po siya. Patas nga ba? Sabi niya, lahat pwede magsalita sa hearing niya, totoo nga ba? Sabi niya, the truth must come out, pero bakit parang iba ata pinapalabas niya? Prangkahan lang po. Doon lang po tayo sa totoo. Hayaan nalang po natin ang publiko ang humusga, anyway napanood niyo naman po. Malaki po ang respeto ko sa inyo noon pa. Nagpapasalamat po ako sa inyo, nagkakasama po tayo noon, palagi po akong nagpapakumbaba sa inyo, kaya siguro ang trato mo sa akin hindi kapwa Senador.

Kahit sa mga hearings, umpisa pa lang, noon pa magkatabi tayo sa isang hearing, kahit sa mga hearing, ang trato mo sa akin parang resource person lang na pwede mong barahin habang nagsasalita. Other Senators were accorded the privilege to have an opening statement in the hearings. Bakit ako kailangan mag-stick sa topic na gusto mo? Pareho naman po tayong Senador.

Mr. President, ako po diretsong kausap. Kung may gusto ka pong sabihin at punahin, lapitan niyo lang po ako. Ilang pinto lang ang pagitan ng opisina po natin. Narinig ko pa sa media na sinasabi ng iilan diyan, Senador na ako pero bakit patuloy pa rin akong malapit sa Pangulo. Anong karapatan mo na kwestyunin ang pagiging malapit ko sa Pangulo?

Nangako ako sa Pangulo, hindi ko sya iiwanan habang buhay at amin na lang iyon dahil mahal ko ang Pangulo. As long as walang conflict sa trabaho ko at ginagampanan ko ang trabaho ko, wala kang karapatang kwestyunin ito, at wala kang pakialam.

I noticed that nobody seemed to complain about my proximity to the President when you would have me say something to him or ask him to do something for you. Tatawagan mo po ako, iparating mo kay Pangulo. Noon pa, walang reklamo. Walang reklamo kapag ginagamit ninyo akong tulay sa ating Pangulo. Kapag hindi pabor sa inyo, pero kapag disadvantageous sa inyo, at ngayong malapit na ang eleksyon, bakit pupunahin ninyo?

May nagsasabi diyan, nagpapaka-EA daw ako. Hindi ko po ikinakahiya ‘yan, 1998 pa po ako nagtatrabaho sa kanya. Naging Senador na po ako ngayon, nagpapasalamat po ako kahit na isa lang po akong munting EA po. Sa mga EA po, huwag kayo mawalan ng pag-asa, baka kayo rin po maging Senador pagdating ng panahon. Isa lang po ang natutunan ko na sana po ay matutunan ninyo — mahalin ninyo po ang inyong kapwa Pilipino — malay ninyo kayo rin po ay maging Senador. Hindi ko po ikinahihiya ‘yan. At lalong hindi po ako nahihiya na umalalay sa Pangulo hanggang ngayon dahil iisa lang po ang layunin namin, magserbisyo po sa aming kapwa Pilipino.

‘Yung relasyon namin at tiwala namin sa isa’t isa, nasa sa amin na iyon, pero tanggap ng taumbayan iyon dahil hindi ko naman iyan itinatago sa kanya. At noong naihalal akong Senador, hindi ko ikinahiya na akoy isang simpleng empleyado lang noon na binigyan po ng Panginoon ng pagkakataon na makapagserbisyo sa kapwa Pilipino. Hindi ko po sasayangin ‘yan. Gayunpaman, kailanman ay hindi ko ito ginamit para sa pansarili kong interes. Palagi kong inuuna ang interes po ng bayan at interes po ng kapwa ko Pilipino.

Sabi ko nga, patas sana pagtingin natin palagi dahil ako naman po ay nagiging patas sa inyong lahat – anumang partido, anumang estado ninyo sa buhay basta makakabuti sa kapwa ay sinusuportahan ko. Passion ko po ang magserbisyo. Bisyo ko po ang magserbisyo. To the point na naituring na bisyo ko na ito. Wala kang pakialam kung tumutulong ako sa Pangulo to overcome this crisis po. Huwag nating haluan ng pulitika. Baka wala na tayong pulitikang pag-uusapan kapag hindi natin malampasan ito.

Higit sa lahat, kahit na malapit ako kay Pangulong Duterte, walang conflict sa trabaho ko yan. In fact, I have a perfect attendance in the 2nd Regular Session, 69 out of 69. I want the public to know that I value the opportunity and privilege that they have given me to be here. Gayunpaman, umiikot pa rin ako sa kahit saang sulok ng bansa dahil ‘yan ang pinangako ko rin sa Pilipino. Noon ngang pagkatapos ng senatorial proclamation, noong senatorial proclamation, may nag-aya sa akin na kumain sa isang hotel, pagkatapos ng proclamation natin dyan, pero po mas pinili kong pumunta sa mga nasunugan sa Caloocan dahil nangako po ako sa kanila na babalikan ko sila.

Sabi ko nga, I will not limit myself to work within these halls. Binoto ako ng tao para katawanin sila, paano ko malalaman ano ang kailangan at mga hinaing nila kung nandito lang ako naka-upo. Hindi ko ugali at hindi ko matiis na nakaupo lang po sa malamig na opisina, pa-relax-relax, nagpapalamig, nag-aantay ng kung sino ang pwedeng imbestigahan, nagpapalaki ng tiyan. Mas gusto ko pong lumapit sa tao dahil sila ang sineserbisyohan ko. Ganito na kami noon pa sa Davao. Siguro po ganito po magserbisyo ang tinatawag nilang mga probinsyano.

Sabi ng iba, hindi daw legislation ang inaatupag ko at pang-executive daw. Pero bukod sa legislation, parte rin naman ng ating tungkulin ang representation at constituency services. Oo, legislators tayo pero higit sa lahat, public servants po tayo! Ito na ang nakasanayan ko. Dito po ako namulat, ang pagtulong po sa mahihirap at pagserbisyo po sa kapwa ko Pilipino.

Mr. President, sa mga nag-aakusa sa akin, uulitin ko. Hindi porke‘t kakilala o ka-trabaho ko ay idadamay na ninyo ako sa panghuhusga ninyo. Huwag ninyo ako pilit ipasok sa gusto ninyong narrative. Sabi ko nga, doon lang tayo sa totoo!

Moreover, we should not just respect a co-equal branch only when it is beneficial to us. Why question the appointing authority when his right to do so was given to him by the Constitution? If you have reservations on the qualifications of people in the government, question it before the proper courts. Or if you want to change the qualifications, pass a law to favor what you want.

Kahit anumang administrasyon iyan, reality is that appointments are not only based on merit but also trust, whether its in the capacity of the person or his character. Bakit issue na ngayon na puro taga-Davao ang na-a-appoint? Ano pong masama doon kung sila ang pinagkakatiwalaan ng Pangulo? Ano tingin nyo sa pangulo hindi marunong kumilatis? Personal choice niya po ‘yan. Hindi porke’t abogado niya, eh tao ko na. Abogado niya po ‘yan noon pa. Huwag kayong magmalinis. Sa mga opisina ninyo wala ba kayong katrabaho na kamag-anak, ka-fraternity, ka-probinsya, o kaibigan? Sabi ko nga, doon lang po sana tayo sa totoo. Maging patas po tayo.

Alam ninyo po, ano po ang punto ninyo kung kakilala ko si Lao? Ano po ang pakialam ko sa inyo? Ako na nga nagsabi na ipakulong ninyo na po kung may kasalanan. Wala kaming pinoprotektahan dito. Diretsahan na po tayo. Meron tayong Ombudsman, kasuhan. May Sandiganbayan, ikulong po ang may kasalanan.


Nabanggit na rin po kanina, napaka-unfair naman po sa mga iilang abogado na mula sa Davao na may sarili pong career na nag-aral, pinaghirapan po nila. If qualified naman po sila, hindi naman po bulag ang Pangulo. Sila po ay mismong pinipili ni Pangulong Duterte, being the appointing authority. Nagkataon lang po na ako ang naging tulay kay Pangulong Duterte. Iilan diyan po sa inyo mismo, ilang beses ninyo na po akong tinawagan. Ikaw po mismo, meron kang ni-recommend noon. Itinawag mo sakin, nakarating kay Pangulo, na-appoint ni Pangulo. Meron bang nagkuwestyon? Eh kung qualified naman po ang tao, ina-appoint po ng Pangulo. Eh ikaw mismo, tumatawag at nagrerekomenda. Huwag kang magmalinis.

It is the Presidents prerogative who to appoint in his office and in his administration. Kung gusto mong maki-alam sa appointments, maging Pangulo ka po.

Kung may kasalanan si Lao, walang pumipigil sa inyo na kasuhan at ikulong. Kung kinukuwestyon niyo bakit siya na appoint, tanungin ninyo po ang Pangulo. Siya naman po ang appointing authority.

Kung gusto ninyo ng paliwanag – eto po pakinggan natin si Pangulong Duterte para malaman po natin bakit sila ang na-appoint. Kindly play the video please.

(PAUSE — video clip)

Mr. President, kami po ni Pangulong Duterte ay mga probinsyano na nagtratrabaho ng matino, tumutulong sa mga Pilipino at nagsusumikap na maibangon po sa krisis ang ating bansa. Ano po ang masama kung kumuha siya ng mga probinsiyano para tulungan siyang magserbisyo sa bayan? Ang pangunahing bilin po ni Pangulo sa kanyang mga ina-appoint, sa dami po niyan, hindi po siya nakikialam paano niya patakbuhin ang opisina. Hindi siya nakikialam sino ‘yung mga kasamahan niya sa opisina. Isa lang po ang pinagbibilan niya parati: Just do what is right and avoid corruption.‘Yan lang po ang pinagbibilin niya at hindi man niya nakakausap ang mga taong iyon, noon pa po, sinasabi niya ako, “Sabihin mo nga ‘yun, Just do what is right and avoid corruption.” Hindi po nagkulang ang ating Pangulo. Hindi po kami nagkulang sa pagpapaalala.

Wala sa usapan ang korapsyon. Kasi kung gusto mo talagang tumulong sa administrasyon, gagawin mo po kung ano ang tama.

We are one with you in eradicating corruption in this country. Now, if you believe that people have committed crimes and should be punished, then file the necessary cases or give our prosecutors sufficient evidence to ensure that these people are indeed punished. Patunayan natin kay Pangulong Duterte at lalo na sa mga kababayan natin na may kahihinatnan ang mga hearing na ito.

Kaysa tayo tayo ang nagbubuhat ng ating sariling bangko at nagpapagalingan, hayaan nating ang taumbayan ang humusga sino ba talaga ang nagtatrabaho at nagseserbisyo at sino ba talaga ang puro salita. Hindi niyo na po kailangan i-enumerate ang mga nagawa ninyo. Kung totoo ‘yan, hayaan ninyo na yung mga nakabenepisyo ang magsalita. Nasa gitna pa po tayo ng pandemya, pero pansin na pansin na ang mga gusto magpasikat.

Huwag niyo po isisi sa Executive lahat ng mga problema ng bansa dahil pare-pareho lang naman tayo ditong nagsisilbi sa bayan.

Pero kung may pagkakamali sa implementasyon, panagutin. Huwag ninyo po isisi sa kanila ang inabutan nilang sistema dahil resulta ‚yan ng ilang taong mga batas na naipasa rin mula sa plenaryong ito na kinagisnan nalang ng lahat at pilit nating isinasaayos. Kaya nga ito tinawag na in aid of legislationpara ayusin ang dapat ayusin.

Nasa public health emergency po tayo ngayon. Pandemya po ang kalaban natin at hindi ang isat isa. Panahon ito ng pagtutulungan at pagbabayanihan. Huwag natin sayangin ang oras sa siraan at sisihan.

Mr. President, uulitin ko — mismong si Pangulong Duterte, ayaw ng katiwalian sa gobyerno. Kahit sino ka man, kahit saan ka man nanggaling, kahit tumulong ka pa noong election kay Pangulong Duterte, marami na pong nasibak diyan, kapag pumasok ka sa korapsyon, yari ka po. Panoorin ninyo po ito.

(PAUSE — video clip)

Kung may nakita kayong anomalya, kalokohan, overpricing, kasuhan na kaagad at ikulong. Iyan naman po ang pangunahing campaign promise ng Pangulo campaign against illegal drugs, criminality and corruption. Dito rin po ako nakatutok na labanan po ang mga ‘yan. But admittedly, it is very hard to totally eradicate corruption. Marami pa rin dyan. Pero hindi po tayo sumusuko na labanan ito. Hindi po kami sumusuko na labanan ito. Magtulungan po tayo laban sa korapsyon.

Maalala ko pa noon sinabi ni then-Mayor Duterte po sa mga nagpapatulong sa Davao, napakatagal po sa local government ng Davao — kahit tanungin niyo mga nagnegosyo diyan, with the respect po kay — kahit tanungin ninyo po kay dating former Senate President Manny Villar, sa mga nagnenegosyo po sa Davao na mga  subdivision — Bilin ni mayor Duterte sa akin noon, nagpapatulong po sila sa mga permits.


“Kapag nagbigay po, huwag mong tulungan. Kapag hindi nagbigay, tulungan mo at alalayan mong makumpleto ang mga papeles at huwag mong pahirapan.” Iyan po ang natutunan ko kay Pangulong Duterte.


Sa nabanggit naman po kanina, handa po akong magpa-imbestiga bilang Senador. Handa po akong magpa-imbestiga, wala po akong tinatago, wala po akong kinakatakutan. Mas mabuting malaman ng tao ang katotohanan. Para matapos na rin haka-haka kay Lao na ‘yan.

Ang hindi ko maintindihan, kung napatunayan ninyo na si Lao ay taga Davao at humawak ng ibat ibang posisyon, ano ang pakialam ko? Ano ang pakialam ko kay Lao? Kung gusto n‘yong pakulong, ipakulong niyo.

What do you want to prove by linking me to him when you havent even proven his guilt? Ano ito, guilt by association o by your mere interpretation?

Paulit-ulit ko nang sinagot ‘yan na bakit mo ipagpipilitan? Wala akong pakialam kay Atty. Lloyd Lao.

Sa nag-aakusa sa akin, huwag mo akong itulad sa inyo. Huwag mo akong itulad sa iyo. Dahil ako, nagtratrabaho ng matino dito. Kung ako ang inuugnay mo sa korapsyon o pang-iimpluwensya upang magkaroon ng anomalya, nagkakamali ka. Iyan lang ang puhunan ko dito, – prinsipyo at pagseserbisyo ko po sa kapwa ko Pilipino. Hindi naman ako pulitiko na lalabas lang tuwing may eleksyon at naninira pa ng kapwa, nandadamay pa ng kapwa senador para lang sumikat. Probinsyano lang kami ni Pangulong Duterte na ginagawa ang lahat ng aming makakaya upang tuparin ang ipinangako namin sa taumbayan.

Malinis po ang aming hangarin. Pangalan lang at prinsipyo ang pinanghahawakan namin dito at hinding-hindi po namin ito sisirain. At hindi rin kami papayag na sirain kami ng ibang tao na ang ipinaglalaban ang kanilang pansariling hangarin.

Uulitin ko po, doon lang po tayo sa totoo. Maging patas po tayo. Kaunting respeto naman po sana mula sa kapwa Senador, kaya ako, Mr. President, kung ako mapatunayang sangkot sa kahit anong korapsyon ni piso, I will resign.

Ito lang po ang puhunan namin, pangalan at prinsipyo. Mga taga-Davao lang po kami dahil mahal po namin ang aming pagseserbisyo sa aming kapwa Pilipino.

Thank you, Mr. President.

Read full article on BusinessMirror

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -