Tuesday, May 7, 2024

Rail replacement ng MRT 3 nakatakda nang isagawa

- Advertisement -

Nakatakda nang isagawa ang rail replacement activities ng Metro Rail Transit Line 3 o MRT 3 sa Tracks Laydown Yard sa Parañaque City.

Ito’y matapos mailipat na ang nasa 4,053 pirasong bagong riles.

Ayon sa Department of Transportation o DOTR, nitong nakaraang August 20 pa nang sinimulan ang paglipat ng mga riles na may habang 18 metro mula Harbour Port Center sa Maynila.

Nakatakda namang ipalit ang mga ito sa lumang riles ng MRT-3 sa November hanggang February 2021.

Inaasahang makatutulong ang mga bagong riles para mas mabigyan ng maayos na biyahe ang mga commuters at hindi na magiging matagtag ang takbo ng tren na nagiging sanhi ng aberya.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img