29.9 C
Manila
Tuesday, April 23, 2024

Raid sa mga ospital para kumiskahin umano ang mga medical supply itinanggi ng OCD

- Advertisement -

Itinanggi ng Office of Civil Defense (OCD) ang napaulat na raid sa mga ospital para umano kumpiskahin ang mga medical supply at equipment ng mga ito.

Ayon kay OCD spokesperson Mark Timbal, fake news ang naturang kumakalat na balita online kung saan kinukuha umano nila ang mga medical supply at equipment ng ilang ospital para ipamigay sa ibang health falicities.

Giit ni Timbal, ang kanilang mga ipinamimigay na PPEs at iba pang medical supplies ay mula sa mga natatanggap lamang din nilang donasyon mula sa iba’t ibang donors.

Kasabay nito hinikayat ni Timbal ang publiko na mag-ingat sa pagpapakalat ng mga fake news.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -