Quarantine pass libre —IATF

0
22

Ipinaalala ng Inter-Agency Task Force (IATF) on Emerging and Infectious Disease na libre ang quarantine pass.

Ito ang ginawang paglilinaw ng IATF matapos mapaulat na pinababayaran sa ilang lugar sa Luzon ang naturang ID.

Ayon kay IATF spokesman at Cabinet Sec. Karlo Alexi Nograles, hindi dapat pabayaran ang quarantine pass at abusuhin ng LGUs ang kalamidad na nararanasan ng bansa.

Giit ni Nograles, walang sinuman ang dapat magbayad o magbigay ng kahit anomang halaga kapalit ng nasabing passes.