QCPD naka antabay sa posibleng pag-aresto sa may-ari ng Wellmed

0
53

Naka-antabay na ang mga operatiba mula sa QCPD o Quezon City Police District sa posibleng pag-aresto sa may-ari ng Wellmed Dialysis Center.

Kasunod na rin ito ng kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na tugisin at arestuhin ang nagpapatakbo ng nasabing dialysis center na sangkot sa kontrobersya dahil sa paggamit ng umano’y “ghost dialysis patients” para makakubra ng claims sa Philhealth.

Ayon kay QCPD Director P/B Gen. Joselito Esquivel Jr, wala pa silang natatanggap na direktang kautusan mula sa korte o sa mga nakatataas sa kanila hinggil sa gagawing pag-aresto.

Subalit sakaling kailanganin ng NBI o National Bureau of Investigation ang tulong ng QCPD, sinabi ng hepe na may mga operatiba silang ipakakalat para rito.

Una nang sinabi ng pangulo na ang krimen ng Wellmed na matatagpuan sa Quirino Highway, Novaliches ay sydicated estafa na walang piyansa.