QCPD ipinagmalaki na naging mapayapa ang pagsalubong sa bagong taon

0
53

Ipinagmalaki ng Quezon City Police District (QCPD) na pangkalahatang naging mapayapa ang naging pagsalubong ng lungsod sa bagong taon.

Ayon kay QCPD Dir. Joselito Esquivel, aabot lamang sa labing isang kaso ng fire cracker related injuries ang kanilang naitala kung saan mas mababa sa 25 naiulat nuong nakaraang taon.

May naitala rin aniyang silang isang kaso ng homicide na naganap bandang alas diyes ng gabi sa Barangay Gulod sa Novaliches.

Naniniwala si Esquivel na malaking bagay na sumabay ang pag ulan sa pagsalubong ng bagong taon gayundin ang pagpapatrolya ng kanilang mga tauhan.

Sa kabuuan, nagpakalat ang QCPD ng mahigit 1,000 pulis upang matiyak ang seguridad ng mga residente sa pagsalubong sa bagong taon.