QC Task Force on Traffic makikipagpulong sa mga Mall owners sa paligid ng Araneta Center

0
42

Target maisa-ayos ng binuong Task Force for Transport And Traffic Management ng lungsod Quezon ang bahagi ng aurora boulevard sa nasabing lungsod

Ito ang kinumpirma ni task force chief Atty. Ariel Inton kasabay ng kaniyang panukala kay Quezon City Mayor Joy Belmonte na buhaying muli ang ilang bahagi ng Cubao na itinuturing na “Divisioria” ng nasabing lungsod

Katunayan, sinabi ni Inton na magkakasa sila ng pulong sa mga Mall owners sa paligid ng Araneta Center ngayong linggong ito para talakayin ang posibilidad na magamit ang mga Mall parking para mapaluwag ang kalsada sa paligid nito

Malaking problema ani Inton ang na-salaula nang Aurora Boulevard na ginawang tambayan ng mga iligal na nakaparadang sasakyan habang ang mga bangketa’y hindi na rin mapakinabangan dahil sa mga nagtitinda ruon

Hindi na rin aniya kaaya-ayang dumaan sa nasabing kalsada dahil tila ginawa na rin iyong palikuran ng ilang humihimpil sa lugar dahil sa sobrang panghi at baho ng lugar dahil naman sa mga basura