QC Task Force member sinuspinde sa pamamalo ng isang fish vendor na lumabag sa quarantine

0
17

Sinuspinde ng Quezon City Task Force Disiplina ang tauhan nila na namalo ng isang fish vendor na lumabag sa quarantine.

Ayon kay QC Task Force Disiplina Action Officer Rannie Ludovica, nakita nila sa video na lumabis ang kanilang tauhan nang paluin nya ng anim hanggang pitong beses ang fish vendor.

Gayunman, idinepensa pa rin ni Ludovica ang ginawa ng kanilang tauhan sa fish vendor na anya ay pumalag at nagmumura pa nang kanilang sitahin.

Nagiging bayolente anya ang isang law enforcer dahil nauna namang nagiging bayolente ang mga nahuhuling violator.

Ipinamedical na anya nila ang nahuling violator na anya ay natamo ng galos sa tuhod.

Lumabas rin sa pagsusuri na positibo sa paggamit ng illegal drugs ang violator.