QC gov’t nagtalaga ng karagdagang contact tracing teams

0
10

Mas pinaigting pa ng Quezon City government ang isinasagawa nitong contact tracing matapos magbukas ng mga satellite offices at magtalaga ng maraming tracing teams upang mapabilis ang pagsugpo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa mga komunidad.

Ayon kay Mayor Joy Belmonte, layon ng pagtatayo ng mga dagdag na contact tracing offices sa District 3 at District 6 na mapabilis ang pag-monitor sa mga posible at kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa mga barangay.

Magtatayo rin ng mga katulad na satellite offices sa iba pang mga distrito sa mga susunod na araw.