Thursday, May 2, 2024

PUV modernization program hindi ‘anti-poor’ —DOTr

- Advertisement -

Iginiit ng Department of Transportation (DOTr) na hindi para sa mga mayayaman ang public utility vehicle (PUV) modernization program ng pamahalaan.

Paliwanag ni Transportation Assistant Secretary for Communication Goddess Hope Libiran, ilang administrasyon na kasi ang nagtangkang ipatupad ang PUV modernization program ngunit inaatras ito ng gobyerno sa tuwing may mga grupo na nagsasabing ito ay “anti-poor”.

Ayon pa kay Libiran, para ito sa lahat ng mananakay upang magkaroon ng ligtas at maayos na pagbiyahe.

Aniya, ilang dekada na rin itong napabayaan at ngayong administrasyon lang ni Pangulong Rodrigo Duterte nabigyan ng opisyal na hudyat ng pagsisimula ng PUV modernization.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img