Pulitika ang nakikitang anggulo ng Philippine National Police o PNP sa pagpatay sa Vice Mayor ng Sapa-Sapa , Tawi Tawi na si Alrashid Mohammad Alih.
Ayon kay PNP Chief Director General Oscar Albayalde, sinabi ng pamilya ng bise alkalde na may plano sana itong tumakbo sa mas mataas na posisyon sa eleksyon sa susunod na taon.
Inamin rin aniya ng pamilya ng biktima na matagal na itong may natatanggap na mga banta sa kanyang buhay.
Batay sa inisyal na ulat ng mga pulis, pinagbabaril ang biktima habang sakay ito ng kanyang sasakyan galing sa isang mall sa nasabing lungsod.
Matapos ang insidente ay agad na tumakas ang hindi pa nakikilalang salarin at sumakay sa isang motorsiklo.
Nabatid na nagtamo tatlong grabeng tama ng bala sa dibdib at kanyang ulo ang opisyal.
Si Vice Mayor Alih ang ikaapat na lokal na opisyal sa bansa na namatay sa loob lamang ng dalawang linggo.