Pulisya mahigpit na babantayan ang mga paliparan ukol sa posibleng pagpasok ng coronavirus

Pulisya mahigpit na babantayan ang mga paliparan ukol sa posibleng pagpasok ng coronavirus

by Powered by DWIZ
26 views

Mahigpit ang ginagawang pagbabantay ng pulisya sa mga paliparan hinggil sa posibleng pagpasok ng 2019 novel coronavirus (2019-nCoV).

Ayon kay PNP Aviation Security Group (AVSEGroup) Chief P/BGen. Crizaldo Nievez, patuloy ang kanilang ugnayan sa pamunuan ng mga paliparan at quarantine officers.

Handa naman ang PNP AVSEGroup na umalalay sakaling kailanganin ang kanilang tulong partikular na sa mga biyaherong dumarating sa bansa.

Kasunod nito, inatasan na rin ni Nievez ang kaniyang mga tauhan na gawin ang ibayong pag-iingat laban sa bagong uri ng sakit kasabay ng mahigpit nilang pagpapatupad ng katahimikan at kaayusan sa mga paliparan.

0 comment

Related Posts