Pulisya binabantayan ang mga minahan sa Itogon Benguet

0
41

Mahigpit na minomonitor ng pulisya ang ilang mga minahan sa Itogon Benguet kasunod ng mga ulat na ilang mga minero ang palihim nang bumabalik sa pagmimina.

Ayon kay Chief Inspector Heherson Zambale, hepe ng Itogon Municipal Police Station, kanilang nakita sa isinagawa nilang inspeksyon na muling nasira ang mga daan papasok sa mga tunnel ng ilang mining sites.

Indikasyon aniya itong may mga pumapasok at gumagawa muli sa mga minahan.

Dagdag ni Zambale, posibleng nagtatrabaho ang mga minero tuwing gabi para hindi mahuli.

—-