28.9 C
Manila
Friday, April 19, 2024

Pulis patay makaraang itumba ng NPA sa Agusan del Norte

- Advertisement -

Itinumba ng mga miyembro ng NPA o New People’s Army ang isang pulis makaraang manlaban nang tangkain itong dukutin sa bayan ng Santiago, Agusan del Norte.

Kinilala ni Police Regional Office 13 o Caraga Region Director C/Supt. Gilbert Cruz ang nasawing pulis na si SPO3 Reil Mejaris Morgado na nakadestino sa Santiago Municipal Police Station.

Batay sa ulat ng pulisya, alas otso y medya kagabi nang may mapansin ni Morgado na umaali-aligid sa kaniyang bahay kaya’t lumabas ito bitbit ang kaniyang baril.

Agad namang pinaputukan ng mga rebelde si Mejaris nang makita nila ito subalit nakaganti pa ng putok ang pulis bago ito bawian ng buhay habang nakatakas naman ang sampung iba pang suspek sakay ng motorsiklo.

Kasunod niyan, agad naglunsad ng hot pursuit operations ang regional mobile force batallion 13 kung saan, natimbog ang tatlo pang suspek na kinilalang sina Renato Caerlang, Ryan James Caerlang at Riedel Cabello.

Lumabas sa ginawang interogasyon ng mga awtoridad, na miyembro ang mga suspek ng NPA o New People’s Army at inamin ng mga ito na tinangka nilang dukutin ang pulis upang ipatubos sa pamahalaan kapalit ang pagbawi sa martial law sa Mindanao.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -