Pulis-Marikina arestado sa pangongotong

0
48

Isang pulis Marikina ang arestado dahil sa pangongotong matapos ang entrapment operation sa Pasig City.

Kinilala ang suspek na si Corporal Marlo Quibete ng district enforcement unit sa Pasig City.

Ayon kay NCRPO Chief, Maj. Gen. Guillermo Eleazar, tinanggap ni Quibete ang 20, 000 pesos sa entrapment operation ng NCRPO Regional Special Operations Unit sa kanto ng Evangelista at De La Paz Streets sa Barangay Santolan.

Nag-ugat ang kaso sa reklamo ni Eva Kilala, live in partner ni Aries Ochoada na nahuli sa buy bust operation.

Bukod sa perang kinuha ng pulis na nasa 60,000 pesos ay kinuha rin nito ang gintong kwintas ni kilala habang ang motorsiko ni Ochoada ay pilit na pinapirmahan ang deed of sale nito.

Hindi pa umano nakuntento ang pulis at humingi pa ng dagdag na pera kaya nagsumbong na si Kilala sa NCRPO.

(with report from Gilbert Perdez)