La Trinidad, Benguet – Iniulat ng Police Regional Office Cordillera Administrative Region (PRO-CAR) nakadiskubre naman sila ng may kabuang PhP3,840,912.00 halaga ng marijuana sa magkahiwalay na operasyon sa Benguet at Baguio noong nakaraang Sabado.
Sa probinsiya ng Benguet, ang mga operatiba ay nakadiskubre ng 19,200 Fully Grown Marijuana Plants (FGMJP nagkakahalaga ng PhP3,840,000.00 sa tatlong magkakaibang plantation sites sa Sitio Macagang, Barangay Kayapa, Bakun.
Patuloy ang pagiimbestiga ng mga kinauukulan upang matukoy ang iba pang taniman ng Marijuana at mahuli ang mga nasa likod nito.
Sa lungsod ng Baguio, ang mga tauhan ng Baguio City Police Office-Camdas Police Station-2 (PS2) ay nakahuli ng isang 26-taong gulang na babae, at nasamsam sa kanya ang 7.6 gramo ng hinihinalang dahon ng marijuana na nagkakahalaga ng PhP912.00 sa loob ng isang bar sa kahabaan ng Magsaysay Road.
Ang pagkakahuli ay nangyari matapos ang security guard ng nasabing bar ang nag ulat na may natagpuang dalawang plastic sachets ng hinihinalang dahon ng marijuana sa bag ng suspek.
Matapos ang pagtiyak, kaagad hinuli ng pulis ang suspek. Siya ngayon ay nahaharap sa paglabag ng R.A. 9165, o mas kilala bilang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (Joel Cervantes & Jimmy Bernabe)
(Source: PRO-COR)