Saturday, May 18, 2024

Publiko pinaiiwas sa pagbili ng sukang may synthetic acetic acid – DTI

- Advertisement -

Pinaiiwas ng Department of Trade and Industry (DTI) ang publiko sa pagbili ng mga brand ng sukang napatunayang nagtataglay ng synthetic acetic acid.

Ito ay matapos tukuyin ng Food and Drug Administration (FDA) ang limang tatak ng sukang itinuturing nilang substandard at hindi dapat ibinebenta sa merkado.

Ayon kay DTI undersecretary Ruth Castelo, posibleng may criminal liability sa ilalim ng consume act ang mga brand ng sukang hindi naglalagay sa label ng totoong sangkap ng kanilang ibinebentang produkto.

Una na ring ipinag-utos ng ahensiya ang pagpaparecall sa merkado ng limang brand ng sukang napabilang sa listahan ng FDA na napatunayang gumagamit ng synthetic acetic acid.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -