Publiko pinag-iingat sa Chinese debt trap

0
55

Muling ibinabala ni dating magdalo rep. Gary Alejano sa publiko ang tungkol sa nagkukubling patibong ng mga pautang ng China sa Pilipinas.

Ito’y para mapondohan ang mga proyektong pang imprastraktura ng pamahalaan sa ilalim ng build, build, build program ng administrasyong Duterte.

Sa isinagawang senatorial debates ng CNN Philippines sa UST, kailangang maging bukas ang Pilipinas sa iba pang mga bansa na nag-aalok ng pautang na may mas mababang interes at walang motibong mangamkam ng lupain.

“Example Tajikistan, they have a conflict areas there, around 1,500 square kilometers of conflict territory. Ngayon ang sabi ng China,that is not the totality of our relationship just like what they are saying to the Philippines. Look at now. Nalubog sa utang ang Tajikistan, anong binayad niya? Yung 1,500 square kilometers ng kanyang teritoryo. It will happen to us sa West Philippine Sea. Hindi niya sasabihin sa ngayon but later on, pag nalubog ka sa utang, you do not have any other option.”

Depensa naman ni dating PNP chief Ronald Bato Dela Rosa, bukas naman ang administrasyon sa anumang kontratang pinapasok nito sa China at walang lihim o itinatago rito sa publiko.

Pero iginiit ng mga kumakandidatong senador mula sa oposisyon na humingi sila ng kopya ng mga pinasok na kontrata ng administrasyon subalit nabigo silang magkaroon nito.

“Dapat alalahanin natin ang relasyon sa China especially sa mga deals na ito ay confidential at ad hoc, bilateral. Ibig sabihin, walang ibang nakakaalam, tayo lang dalawa. Pag malaki ang bansang China, maliit tayo, we would be the losing ends sa negosasyon na yan. Ngayon po, dahil confidential, huli na ng malaman ng taong bayan na dehado pala tayo habang kumikita ang ibang mga tao sa gobyerno. It happened to other countries that is why, pinush ngayon sa Maldives, Malaysia, sa Tajikistan, sa Sri Lanka. Matuto tayo.”